UHHMMNN....

~NO ONE IS PERFECT THAT'S WHY PENCILS HAVE ERASER~

khayzee

khayzee
i'm a simple girl, with my simple dreams in my simple world

Friday, August 1, 2008

term paper



Kabataan Pag-asa ng Bayan

Masdan mo ang kabataan, sa panahong mapanganib
Sa gawaing pagbabanal nalilisya itong isip
Sa paggawa ng masama, sa layaw ay nahihilig
Paglakad ay pawang liko pamumuhay di malinis.

Sa bisyo ay nalululong, pagka’t mundong nakagisnan
Madalas ay mararawal na ugali ng lipunan
Kaya’t imbis na matuwid, budhi’y napaparungisan
Kapos sa aral na banal sa paglago ay kaylangan.

Saan nga ba patutungo ang salitang namutawi
Sa laman ng isang tulang isinulat ng bayani
Ang pag-asa ba ng bayan, kabataan nga bang lagi
Kung napapariwara, tunay nga ba o hindi?

Dalinsil na kabataan, kung baybayin ang dahilan
Kulang sa pag-aaruga at paglingap ng magulang
Gabay ng aral ng Dios hindi nila natitikman
Kaya paglakad ay lihis sa Banal na Kasulatan.

Gabay na dapat matanim sa puso namin at isip
Saway at aral ng Diyos sa amin ay maiugit
Kaming mga kabataan, mapalaki sa pag-ibig
Turuan ng pagbabanal at pagiging matuwid.

Lakad naming mga bata ay dapat na magabayan
ng aral na nakasulat sa Banal na Kasulatan
Nang sa amin kung matanim, mga turo at katuwiran
Mga daang matutuwid, di marapat hiwalayan.

Murang isip ay madilig ng utos na mahuhusay
Karunungang buhat sa Dios, mat’wid, banal, at dalisay
Palagiang mapakinggan pangaral ng taga-akay
Nang lakad ay matanglawan hanggang walang hanggang buhay.

Ang pag-asa ng bayan, ngayo’y ating masasabi
Kabataang sa katwiran kinandili’t pinalaki
Mga kawan ng kordero, sa Diyos ay nagsisilbi
Hinuhubog, pinapanday sa aral na mabubuti.

http://bartmoods.deviantart.com/art/Kabataang-Pag-asa-ng-Bayan-88791919

kabataan Noon at Ngayon

Noon, ngayon, ano nga ba ang pinagkaiba? Anu-ano nga ba ang nabago ng panahon? Mula sa teknolohiya hanggang sa mga tao lalo na sa kabataan. Sino nga ba ang magwawagi sa bawat umaasa?

Balikan at sariwain ang isipan patungong panahon ng noon. Mga kabataan raw noon ay ika nga katipunero’t katipunera. Ipinaglalaban ang tama. Ipinagtatanggol ang bansa para sa kalayaan. Mga munting Jose Rizal at mga munting Maria Clara. Sumusunod sa bawat yapak ng kanilang mga iniidolo. Ika nga tama ang winika ni Jose Rizal ang mga kabataan ang siyang pag-aasa ng bayan. Sinisimulan sa bahay ang pagiging tunay na Pilipino. Mano dito, mano doon. Linis dito, linis doon. Aral dito, aral doon. Lban para sa kalayaan, Laban para sa kinabukasan. Waling iniisip kundi mapabuti ang sarili at ang kinalakhang bayan. Handang magpakamatay anu mang mangyari. Respeto, pagmamahal, dangal, prinsipyo, sipag, tapang at tiyaga ni minsa’y di nawala. Maka-Diyos, laging binibigkas mga salita ng Diyos upang tumulong para sa sarili at sa inang bayan.

Mula sa noon patungong ngayon sabay-sabay natin siyasatin, mga kabataan mula sa ngayon. Mga kabataan raw ngayon hindi raw mabasa, ni hindi mapaliwanag ang nilalaman ng bawat puso’t isipan. May nagsasabing waling nagbago, may nagsasabing walangnabago. Nasaan na raw ang mga munting Jose Rizal at mga munting Maria Clara? Tulauyan na bang binura ng tadhana? Sumabay sa ihip ng hangin? Nawala na ba ang pinagiingatang dyamante ng bansa? Nawala ang respeto, nawala ang tiyaga, sipag, angking talino, dignidada, at mas lalo ang pagmamahal sa bayan. Tuluyan nahigop ng makabagong teknolohiya. Nasilaw sa makikislap na pera. Nagsilipana patungong Amerika. Pati pangarap at isipan tuluyang hinila patungong ibang bansa. Hangad kayamanan’t salapi na pinahahalagahan ng bawat nilalang. Di na ba inisip ang bayan? Wala na bang natitirang pagmamahal/ pano na ang mga susunod na bata mas iiba nang iiba ang takbo ng pag-iisip? Sinong mamumuno, malulunod ang isipan sa impluwensya ng panahon.

Di nais sirain ang reputasyon’t paninindigan’t isip ng mga bata at matatanda ng ngayon. Nais lang mabago ang pananaw ng bawat bata na susunod sa amin. Base lamang ito sa aking mga maling natatanaw na nais iwasto. Para sa kinabukasan’t ligaya ng bawat bata. Ako’y isang batang ngayon naghihimagsik at humihiyaw na tumututol at humihingi ng tulong. Ako’y bagot na bagot, inip na inip sa takbo ng buhay dito sa daigdig. Mas maswerte nga ngayon dahil mas magaan ang buhay pero mas gugustuhin pang tumira sa tahimik na noon.

http://edz94.multiply.com/journal/item/12

KAHIT HANGGANG SA PANGARAP LAMANG


Minsan ay nangarap ako……tumaas……lumipad……Ngunit nabatid kong ang aking pakpak ay di ganap ang kakayahan para gawin yaong matayog na paglipad. At sa aking pag-iisa naisip kong kailangan ng isang gabay, destinasyon at inspirasyon upang marating ang kalawakan kung saan naroon ang tagumpay. Hanggang sa isang araw nakakita ako ng isang agila. Isang agila para sa kagaya kong sisiw. Iba siya sa mga agilang nakita ko at nakasama upang maging gabay at inspirasyon. Isa siyang agila na sa wari ko’y katatapos lang ng pagsasanay dahil bago pa lang niya iwinawagayway ang bagwis, ngunit siya’y punumpuno ng kaalaman at karanasan kung ikukumpara sa tulad kong sisiw. Maraming maipagmamalaki ang agilang ito. Marami siyang magagandang katangian na hinihanap ng iba pang mga agila. Ngunit ako? Ano nga ba mayroon ang sisiw na kagaya ko. Ako’y hamak na sisiw sa magandang agilang kapara mo. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang wala kang panahon para sa akin. Magkaiba ang ating mundo kahit kabilang tayo sa iisang pamilya ng “ibon”. Tayo’y magkalapit subalit napakalayo ng ating agwat. Malayong-malayo. Ang Hilaga at Timog ay posibleng magkalapit ngunit tayo ay parang malabo.

Sa bawat araw ng aming pagkikita ay nadaragdagan ang aking paghanga. Sabi ko sa aking sarili, sana maging agila rin akong tulad niya na sa murang edad ay hinog na para maging gabay at ehemplo. Pero paano? Sa bawat pagsasanay at pagsubok na ibinibigay ng agila ay lagi akong bumabagsak. Gusto ko nang sumuko at magalit sa agila katulad ng ibang sisiw. Pero hindi …. Sa katunayan, ang agilang iyon ang nagsilbing hamon at inspirasyon para sa akin upang bumangon at lampasan ang pagsubok nang mag-isa. Ang bawat araw ng aming pagsasama ay ikinintal sa aking isipan. Naging makabuluhan ang bawat pag-uusap dahil nagkaroon ako ng kaliwanagan sa mga bagay na hindi ko maintindihan noon. Masayang-masaya ako sa bawat araw na lumipas na iyon. Walang kasing saya! Marami akong natutuhan sa agila……

Ngayong sumisilay ang takipsilim, ang mga pangarap ko ay unti-unting lumalabo dahil ang liwanag ay unti-unting nagdidilim. Ang mga karanasang akala ko’y panaginip ay isa palang ganap na katotohanan. Katotohanan na kahit anong sandali ay umuukilkil sa aking pagod na isipan. Nasasaktan ako sa aking mga napapanaginipan. Umiiyak ako dahil ang panaginip kong yaon ay ilang beses ko nang napapanaginipan. Natatakot ako na baka isang umaga paggising ko’y natapos na ang lahat.

Alam kong sa panaginip ko’y wala akong magagawa…..wala tayong magagawa…..dahil hindi natin alam ang ating mga sinasabi……nananatiling bukas ang aking mga tenga subalit bakit wala akong marinig? Mulat ang aking mga mata subalit hindi ko makita ang katotohanan ? Buo ang aking isipan subalit hindi ko matalos ang kanilang ibig iparating gayong nasa pareho kaming kalagayan……….Nauunawaan kita……………nararamdaman ko ang iyong nararamdaman…. Subalit paano? ….Ano dapat gawin?

Lubos akong nagpapasalamat sa agila na binigyan niya ng kaganapan ang hungkag kong isipan sa mundo nating mahiwaga. Binigyan niya ng kulay ang madilim kong buhay. Naging makulay ang bawat araw na lumipas. Salamat at nakilala ko ang aking hinihintay. Kaya lang mukhang kaybilis ng panahon, rumaragasa ang mga pangyayari, mukhang nauupos na kandila ang aming pagkikita. Sana ngayon pa lamang ang simula, o kaya’y sana hindi magbago ang magandang pakikitungo niya sa akin. Salamat sa agila na nagsilbing inspirasyon upang patuloy akong lumaban at tahakin ang landas ng aking patutunguhan. Salamat sa pagbibigay niya ng panahon na hindi niya ipinagkait. Noon ko pa siya gustong pasalamatan ngunit ako’y nag-aalinlangan dahil mukhang magkaiba ang aming mundong ginagalawan. Mahirap magtagpo ang aming mundo dahil siya’y isang tanyag na agila at ako nama’y isang hamak na sisiw na naghahangad.

Hindi pa ganap ang pagkahubog ng aking pakpak upang makiayon sa kanyang paglipad. Sana’y sabay narating ang kalawakan ng tagumpay na kinalalagyan niya ngayon at pinapangarap ko naman buhat pa noon…….

Ngayon na nababanaag ko na ang kadiliman, sisikapin kong hanapin ang siwang ng liwanag para magtagumpay. Sana sa muling paglipad ng agila ay naroon na rin ako. Marunong nang lumipad…..may sapat na kakayahan na tulad niya.

At dahil sa isang pangyayari, bibigyan ko ang agila ng sapat na panahon para makapag-isip. Ako nama’y babalik muna sa mundo naming mga sisiw para pagmuni-muniing muli ang mga pangyayari. Lugar para hanapin ang pira-pirasong butil ng aking pagkatao na nagkahiwa-hiwalay dahil sa mga naganap. Ngunit patuloy akong aasa………aasa na balang araw ay magkakaroon ng lugar, oras at panahon………magiging bahagi ng mga pangarap ng agila ang isang simpleng sisiw na kagaya ko. Hanggang may natitirang hibla ng pag-asa sa aking buhay, mananatili pa rin akong magmamasid sa bawat galaw ng agila sa kalawakan. At tulad nga ng aking pangarap, sana magkapareho na kami ng mundong ginagalawan………..kahit na………kahit hanggang sa pangarap lamang.

http://anolimous.blogspot.com/2007/07/kahit-hanggang-sa-pangarap-lamang_15.html

Mga Kabataan, May Kinabukasan Pa Kaya?

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” iyan ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ngunit paano magkakaroon ng pag-asa ang ating bayan upang umunlad kung ang mga kabataan ay wala ring pag-asa tungo sa kanilang kinabukasan?

Simula nang maghirap ang Pilipinas, maraming mga kabataan ang napabayaan ng kanilang mga magulang dahil sa sobrang hirap ng buhay ngayon. May nalulong sa masamang bisyo, may nagsipasukan na sa iba’t ibang trabaho na ipinagbabawal tulad ng pagbebenta ng sariling katawan, at ang iba ay sumasali sa iba’t ibang uri ng samahan na mahigpit na ipinagbabawal tulad ng fraternity. Mayroon ding pumapatay ng kapwa, nagnanakaw at namamalimos sa kalsada. Mayroong kabataang huminto na sa kanilang pag-aaral at pinagtrabaho na ng kanilang mga magulang. Ngunit bakit di magawan ng solusyon ang isa sa malaking problemang hinaharap ngayon ng Pilipinas? Nasaan ang gobyernong may tungkulin na gawan ito ng solusyon?

Sa aking sariling opinyon, marami pang pagkakataon upang tayo ay bumangon at labanan ang problemang ito. May kasabihan nga na “Habang nabubuhay, may pag-asa”.

by: Angeline (Philippines)

http://www.artherapy4kids.com/body/magazine/magazines_filipino.html

BARKADA

Ang ganda ng ating pagsasamahan
Lahat parating nagtutulungan
Sa lungkot at ligaya laging nandyan
Ganyan ang tunay na magkakaibigan.

Matagal narin ang ating pagsasamahan
Daming problema na ang ating pinagdaanan
My mga hindi inaasahang away at tampuan
Pero lahat nito ay naayos naman.

Halos lahat ay magpapakasal na
Mag kakaroon ng sari-sariling pamilya
Sana’y patuloy parin ang gimik ng barkada
Dahil nakakalimutan ang problema pag tayo’y magkakasama.

Kahit malayo man tayo sa isa’t isa
Hindi nakakalimutan kakingkoyan nating magkakabarkada
Kahit ano mangyari sana’y walang iwanan
Tayo’y magkakabarkada magpakailan man.

PAG-IBIG AY BULAG

Bakit ganyan ang pag-ibig, kapag nagmahal ka tanggap mo lahat kahit anong meron siya, bulag siya, pipi, pilay, abnormal, mabaho, duling at kahit minsan bawal na basta mahal mo nagagawa mo pa ring mahalin. Minsan sa buhay ng pag ibig lagi tayong bulag, kahit nasasaktan tayo okey lang , nagbubulag bulagan tayo kahit alam na natin kung ano ang totoo dahil sa larangan ng pag-ibig. Sabi nga sa florante at laura "oh pag ibig kapag pumasok sa puso nino man ,hahamakin ang lahat masunod ka lamang."

Maraming mga kwentong pag-ibig , na kung ating aalamin malalaman natin na bakit binigyan tayo ng puso at utak ng diyos, puso para magmahal ng tama at naaayun sa pinag uutos ng diyos, utak para mag-isip kung ano ang tama at mali , at upang magamit natin sa ating buhay. Bakit kailangan nating masaktan kapag nag mahal tayo? Kailangan nating masaktan para malaman natin kung ano ang tama at mali, at isa lang yang paraan para lalo tayong maging matatag. Minsan sa buhay pag-ibig marami tayong katanungan na mahirap masagot, minsan kapag nalaman natin ang sagot mahirap tanggapin dahil yun ang totoo.

Minsan Mahirap ipaliwanag ang pag-ibig , para sa akin ang PAG IBIG AY BULAG, minsan nagmamahal tayo ng labis labis, minsan kung sino yung gusto mo yun yung ayaw sayo, minsan alam na nga nating mali , at alam na nga nating masasaktan tayo at makakasakit , sege pa rin tayo dahil minsan para sayo yun yung bagay na makakapagpasaya sayo. Minsan nagiging makulay lang ang buhay mo kapag nagmahal ka, nakakaya mo lahat at nagagawa mo mga imposibleng bagay kapag nagmahal ka.Minsan dumarating sa buhay natin na kung sino ang mahal natin parang malayo sa atin, at kung sino ang ayaw natin nandiyan siya na nagmamahal.

Maraming nagagawa ang pagmamahal sa buhay ng tao. Pakiramdam mo kapag mahal mo siya, siya nalang ang buhay mo, minsan natatalikuran mo lahat para sa mahal mo.
Sa pagiging bulag ng pag ibig kailangan lagi tayong handa na masasaktan tayo kapag umibig tayo, kasama sa parte ng buhay pag-ibig ang masaktan at mabigo, minsan bago nagiging matagumpay ang buhay pag-ibig maraming pagsubok ang dadaanan bago natin lubusang maramdaman ang kaligayahan. Minsan dumarating din sa buhay natin na akala natin ang pag-ibig natin pang habang buhay na , akala natin siya na ang makakasama natin habang buhay pero nawawala pa rin . Minsan hindi natin masisisi ang sarili natin bakit tayo nagkakasala at nasasaktan sa larangan ng pag-ibig dahil tao lang tayo na nagiging marupok sa mga pagsubok at tukso na dumarating sa ating buhay. Kaya tayong tao kailangan natin maging matatag at handa tayo sa anumang sakit na mararamdaman natin. DAHIL ANG PAG-IBIG AY BULAG.

ttp://www.filipinowriter.com/pag-ibig-ay-bulag

CASUAL RELATIONSHIP

Ano nga ba ang salitang ito " CASUAL RELATIONSHIP " para sa akin ang salitang ito ay isang klase ng relationship na walang commitment, walang expectation, wala ring hoping parang relation na "kayo pero, hindi kayo", this is a kind of relationship na kapag magkasama kayo Masaya kayo, walang ligawan na nangyayari, pero nagkakaintindihan kayo sa lahat ng bagay. Maraming dahilan kung bakit maraming mga taong pumapasok sa ganitong relasyun, coz' some people, they we're not ready for commitment, some people they just looking for fun, or looking for someone who can talk too, or they just looking for companionship .

Pero kung iisipin natin hindi tayo bato na para hindi madevelope kung ano ang ating nararamdaman , sa ganitong klaseng relationship din , posibleng masaktan tayo dahil darating din ang oras na malilito na tayo sa ating nararamdaman , ganitong klaseng relation hindi tayo pwedeng mag-tanong kung mahal ba tayo ng babae or lalaki, walang rules o systema na mangyayari ang importante Masaya kayo pareho sa ginagawa ninyo. Parang kayong matalik na magkaibigan, para kayong mag kasintahan," pero hindi ,parang lang ." pero kung iisipin natin bakit natin kailangang pumasok sa ganitong relasyun, relasyun na walang kasiguraduhan, relasyun na gamitan lang, relasyun na walang pag-mamahalan. pero minsan may mga pumapasok sa ganitong relasyun dahil ayaw nila masaktan, ayaw nila umasa katuwiran nila basta masaya sila sa ginagawa nila okey lang, I been on this kind of relationship before.

Ganun pala ang feelings kahit sabihin mo na ayaw mo masaktan dahil casual lang kayo, dumarating ang time na may affection din, dumarating din ang time na nasasaktan ka! Kaya the best way is just enjoy nalang na pag-magkasama kayo isipin mo na kapag hinaluan mo ng emotional affection masasaktan ka talaga. I been happy when I met this guy kaya lang masyadong complikado kaya hindi talaga pwedeng maging serious relationship. Tipong pag magkasama kami parang humihinto ang oras ko sa kanya na iniisip ko na sana huwag na matapos itong oras na ito. Na pilit kong pinaglalabanan ang nararamdaman ko , na sinasabi ko sa sarili ko hindi ako bibigay or aamin na mahal ko siya na kahit alam ko sa sarili ko na " mahal ko talaga siya ", pero casual lang kami hindi ako pwede mag demand or mag ask sa kanya kung mahal ba niya ako.

Mahirap ang ganitong Relationship ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process. Pero kung tutuusin pwede din natin maiwasan ang pain. Pwede muna na hindi na muna isipin ang future and just enjoy the feeling with out thinking of the consequences. But if you are a certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment with out worrying, with out expectation, with out commitment or you can stop settling with this kind of relationship and wait for the real thing.

Kaya lang minsan mahirap maghintay sa real kasi hindi mo naman malalaman kung real na nga siya diba. Minsan kasi we keep on gambling and we keep on searching para sa real love, pero minsan nakakadala na kapag lagi kana lang nasasaktan, parang tipong kapag paulit paulit na nangyayari sayo na nasasaktan ka parang ayaw mo nang magtiwala dahil iisipin mo na baka masaktan ka na naman. Pero sabi nga nila try and try! kasi papano mo daw malalaman na siya na nga? , or papano mo malalaman kung masasaktan ka? kung hindi mo susubukan ulit.

Ang hirap talaga kaya kapag papasok ka sa isang relation kailangan ready kana masasaktan ka talaga. Kaya kahit sabihin pa na casual lang kayo may affection pa rin at sakit ka talaga na mararamdaman. Hindi ba pwedeng saya nalang maramdaman mo ? hindi ba pwedeng hindi ka masasaktan kapag nagmahal ka? Sana ang nararamdaman nalang natin ay kaligayahan nalang at sana walang taong nasasaktan. Kaya if you want to go on this kind of casual relationship just be happy and enjoy the feeling with out thinking of any consequences and with out thinking for the future. Life is too short do what makes you happy….

http://www.filipinowriter.com/casual-relationship

Yosi't Ashtray

ipinangako ni niya ang kanilang muling pagtatagpo

ngunit ang pangako’y pinayuko ng pagkakataon

incubus's picture ang nagsisilbing pag-asa ng tanglaw

sa nalalapit na kamatayan

ang panghihina ng isa’y magbubukas ng bintana sa naiwan

sisilip ang ngiti at masisilayan ang tatlong bungi

simbolo ng kapayapaan

ng panatag na kalooban

at pagtupad sa kasunduan

hindi sisibol ang pighati

sapagkat kapwa sila may binalikan

kapwa bumalik sa pinanggalingan

ang paghihintay ay mawawalan ng saysay

kung hindi masasabik.

kung hindi maiinip,

may mararating ba ang pinlanong paglalakbay

ng ibinugang usok?

hihithitin lang din at ibubuga

…hithit…

…buga…

sabay pagpag

kaya nama’y hihithitin at ibubuga

at pamamahingahin sa kanlungan ng iba

saka hihintayin ang unti-unting pangungupos

magkakaroon din ng silbi

ang tagasalo ng mga pinagsawaang sarap

ang tanging saksi sa mga tinangkang pagtakas

lalamunin na naman ng usok na abo ang alaala ko

kelan nga ba magsasalubong ang kahapon at bukas?

kamatayan lang ang makapagbubuklod

http://www.filipinowriter.com/yosit-ashtray

ANG PILIPINAS KAHAPON, NGAYON AT BUKAS

Ang iyong kahapong kakambal ng hinagpis.

Sa iyong kasaysayang ginabayan nitong lupit.

Bawat buntong hiningang tila laging maiimpit.

Kay-ilap na kalayaang sa lupa mong ninanais.

Kadenang umaalipin sa lahi mo`y nakasabit.

Ang iyong kasaysayang labis na binusabos.

Ng mga dayuhang sa ganda mo`y naalindog.

Nagtampisaw sa ganda sa yaman mo`y nagpakabusog.

Kapalit ng pangakong, sibilisasyong di mahinog-hinog.

Mapurol na pag-unlad ang sa iyo ay inihandog.

At ng ikaw ay biyayaan ng huwad ng kalayaan.

Sa tigas ng iyong dalangin at pakikipag-laban.

Santambak na tuta ang siyang nagsalimbayan.

Kalahing mga taksil sa laya mo`t kapakanan.

Nagtuloy ng ligayang sa dayo´y pakinabang.

Itinali kang alipin sa sabwatang mapanlinlang.

At sa tuwinang masasaid at mag-aalsa ang iyong kamao.

Igigiit mga karapatang ipamamana sana sa iyong mga bunso.

Lilitaw ang kulay ng mga tusong nagmumukhang santo.

Kung hindi panlilinlang,kung anong lupit at mga dilubyo.

Dadahasin ang bayang nangarap ng tunay na pag-suyo.

Kahapon lang sa mahabang pagwawala ng isang diktadura.

Nag-alsa ang sambayanang naghangad ng iyong laya.

May mga biglang nangakong mamuno sa landas ng pag-asa.

Gabundok na pangako at kung ano-ano pang tamis ng dila.

Mga pangakong katumbas ay kasimlambot ng mga bula.

Kaya ang mahaba mong kahapon ay sadyang walang palad.

Sa kamay nitong mga trapo, puro pangako at dahas.

Bawat makakapit sa trono sadyang pinakahahangad.

Walang katulad na pagdurusa at labis na paghihirap.

Kaapihan sa buong bayang, sa lahi mo`y lumalamat.

Habang nagpapakabusog itong mga magkakasabwat.

Kaya ang tanong ay kung mayroon pa bang langit?

Ang bukas sa palad mo ng mga bunso pang sasapit.

Kung ang iyong kasaysayan ay sya ring paulit-ulit.

Ipinauubaya ang sariling bukas sa mga diyos na malulupit.

Mga impostor sa lupang lumilikha nitong pait .

Kung ang iyong kasaysaya`y mananatiling walang silbi.

Sa isip ng mga anak kung wala ring hatid na mensahe.

Ang kahapon mo`y mauulit tulad din sa isang bingi.

Walang silbing mga aral, bawat umaga mo ay pighati.

Hanggat di nakikita ang daan sa paglaya ng iyong lahi.

Kalayaang pinapangarap, magsisilbing guni-guni.

MUNTING TINIG “MAY PAKIALAM KA PA BA SA PILIPINAS”?

Pasintabi po sa maaaring makabasa, ang mga susunod na talata ay personal na openyon ng isang bagito,
Ordinaryong mamayan lang PO na nagkukuwento ng pananaw tungkol sa sariling bansa.
Kwentong barbero.Pero kong gusto mo ring makihalubilo o makialam----kasama mo ako.

Wala na ang mga kastila, hapon at amerikano wala pa rin ipinagbago ang pilipinas. Patuloy ang pagkawatak-watak ng mga
tao at ang walang katapusang pag aagawan sa kapangyarihan. Samantala wala pa ring malinaw na lunas para sa sakiting
bansa. Walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat at walang gustong magbigay ng gamot.

Naniniwala ako na isa sa pinakamalking problema ng bansang ito ay ang kakulangan ng pagmamalaki bilang Pilipino at ang
mababang pagtingin nito sa kanyang sarili. Hangang hinde natututunan ng Pilipino na ipagmalaki ang kanyang pagiging
Pilipino hindi malulunasan ang mga ganitong karamdaman ng kaluluwa. "Isa sa problema ng Pilipinas ay hinde militarismo,
hinde kumunismo kundi tayo mismo!" sabi ito ng aktor na si Leo Martinez .

Sa openyon ng Amerikanong Social Scientest na si James Fallows, ang pangunahing problema ng Pilipinas ay ang kakulangan
ng pambansang pag kakaisa.

Hinde magiging madali ang solusyon sa mga problema ng bansa. Pero makakatulong na pagtuunan ng pansin ang edukasyon, paggawa,
pagsupil sa kurapsyon at drug addiction at ang pagtataguyod ng pambasang katahimikan at pagkakaisa.

Mahirap ipag utos ang desiplina, pero kong malalaman ang dahilan kong bakit di dapat kalbuhin ang mga kagubatan,
magpaputok tuwing bagong taon at magbinta ng boto tuwing eleksyon magiging madali ito. Tama s Professor Randy David, sa halip na
pagbawalang bumoto ang mga pilipinong mababa ang pinag aralan bakit hinde sila pag aralin? ang edukasyon ng bawat pilipino ay
obligasyon ng kanyang kawa pilipino.

Pero sa kabila ng mga paghihirap nating ito, pinakamasaklap ang malamang sa KABAN PALA NG IILAN BABAGSAK ANG LAHAT. Kong
hinde masusugpo ang graft and Corruption at hinde tayo magkakaroon ng epektibong sistema sa pangungulikta ng buwis para na rin
tayong nag iipon ng tubig sa lambat.

Tulad ng natutunan ko sa araling sosyal natatandaan ko pa ang sinabi ng aking professor na upang masupil ang mga ligaw na damo'y
"Kailangang bunuting ito sa pamamagitan ng paghawak sa puno ng mga tangkay at hinde sa dahon ng sa gayo'y pati ang mga ugat
nito'y maglaho" at sa mga araling DOGMATIC "Tiwala at pagmamahal sa sarili at pagkatakot sa Diyos ang simula ng lahat ng karunungan
at pagbabago".

At sa makakabasa ng mga sanaysay na ito nais ko kayong isamang libangin,
Humalakhak at mag isip! Sapat na ang pagiging Pinoy natin upang mahalin natin ang Pilipinas!
Mabuhay ang mga Pilipino! at sa libu-libong Bicolano -- mabuhay ang Pilipinas!

Epekto ng ipod laptop cp at psp sa kabataang Pilipino

Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase, na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga daa nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin ang mga epekto ng mga makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral.

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:

Mahikayat ang mga mananaliksik upang gumawa ng mas pormal na pag-aaral ukol sa mga impluwensyang naidudulot ng mga makabagong kagamitang ito sa kabataan.

Malimitahan at masuri ng maigi ng pamahalaan ang pagpasok ng mga makabagong kagamitan sa Pilipinas.

Maging mapili ang lipunan sa kung anung makabagong kagamitan ang makapagbibigay sa kanila ng mabuting impluwensya.

Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay:

Malimitahan ng mga mag-aaral ang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa tamang oras.

Mamulat ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaring masamang maidulot ng mga kagamitan sa kanilang pag-aaral.

Malaman ng mga mag-aaral ang masama at mabuting naidudulot ng mga makabagong kagamitan sa kanilang sarili.

Napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat marami sa kabataan ngayon ay may mababang marka at isa sa mga pangunahing dahil ay nababaling ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbis sa pag-aaral. Dati ay sinasabing ang edukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit sa pagsulpot ng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba’t ninanakaw na nito ang oras na dapat sana’y sa edukasyon nakalaan?

KABATAAN ---> ORAS SA PAG-AARAL---> PAGPAPAHINGA

http://www.xanga.com/teknolohiya/647672068/epekto-ng-ipod-laptop-cp-at-psp-sa-kabataang-pilipino.html

TEKNOLOHIYA_MAKABAGONG KAGAMITAN_MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT SA MGA KABATAAN

Tunkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatit ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral.

Sa pag-aaral na ito, kami ay nagsagawa ng sarbey sa tatlong institusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Espaňa. Dahil ito ay pampblikong paaralan, nais malaman ng pag-aaral na ito kung naaapektuhan ba ang pag-aaral nila ng mga makabagong kagamitan. Sa St. James College of QC. Isa itong probadong paaralan at nais malaman ng pag-aaral na ito kung ano ang epekto ng mga makabagong kagamitan sa mga mag-aaral ng hayskul. At ang huli naming pinagkuhanan ng sarbey ay ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersyo sa seksyon ng 1H-am. Dahil karamihan ng mga mag-aaral sa seksyong ito ay nagdadala ng mga makabagong kagamitan sa mismong paaralan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Espaňa, St. James College of QC, at Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersyo sa seksyon ng 1H-am na may edad 13 hangang 19. Mga nasa ikalawang taon sa hayskul hanging unang taon sa kolehiyo.

Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsa na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras nila na sana’y sa pag-aaral na lang. ginagamit kasi ang cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone. Ang pangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat ata ng mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ng impormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word, Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter din ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mga kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang nahihikayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng kompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay puro laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado na ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa internet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism o pagkopya ng ibang gawain.

Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauuso sa mga kabataan ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko na pilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito. Marahil isang dahilan kung bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa marami itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang “features” nito ay ang Multimedia Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula. Audio Player kung saan ay may maaaring makinig ng mga musika. Camera kung saan ay maaaring makakuha ng litrato. Wireless Networking dahil ang PSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W-IFI na kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang “multiplayer gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity na kung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa pamamagitan ng wireless connection at maaaring makapanood ng live television broadcast. At Games kung saan maaaring makapaglaro ng iba’t- ibang klase ng laro. Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at nakakatangal ng pagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw ay isinama ng magulang mo sa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itong gamitin. Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sa ngayon ay hindi natin maikakaila na maraming kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at unibersidad. Dahil sa madalas na paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad ng pagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang matapos ang laro. Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games. Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo ng pagkakaibigan dahil sa kaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta o pelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung mayroong magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ng dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito. Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring kalabasan nito ay magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese ang mga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na magkaroon nito… Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ng pagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga pagsusulit. Isa pang gadget na patok sa mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nila maiwan iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay may magagandang “features” ito kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan. Ang mga “features nito ay Games na kung saan ay nakakapaglaro ng iba’t-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang mag numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga importanteng gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photos kung saan ay makikita ang mga ilang larawan na inilgay at Stopwatch. At ang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito nakalagay ang madaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natin matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon nito ay naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magipon ang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o nagiging dahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging maingat at responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ng pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’t-ibang tao. Ang mga masamang dulot naman ng IPOD sa mga kabataan ay nagdudulot ito ng pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik din ang mga ito sa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ng IPOD ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes na bumili ng orihinal na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga kabataan sa limewire o itunes.

Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong ang teknolohiya sa ating buhay. Lahat ng sektor sa ating komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga trabahador na nasa ibang bansa ay madali lamang makausap ang kanilang mahal sa buhay, at madali ding makaratingang pera para sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirap gamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiya sa medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa upang lalo tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gusting gawin na teknolihiya kagaya ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayop subalit gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung magtatagumpay ang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang mga mangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay malaking kasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos. Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng hangganan ang pagiisip ng mas abgong teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong bas a ating kapwa at sa ating mga kapaligiran.

http://www.xanga.com/teknolohiya/647672068/epekto-ng-ipod-laptop-cp-at-psp-sa-kabataang-pilipino.html

KUNG HINDI TAYO, SINO? KUNG HINDI NGAYON KAILAN?

Oo nga´t lumuluha ka ng buong kalungkutan.

Sa pagdurusa ng baya´y labis na nagdaramdam.

Tumatangis ang puso sa hambalos ng kahirapan.

Nananaghoy sa hagupit ng katarungang hindi makamtan.

Habang nag-aaliw sa ligaya ang mga ganid ng lipunan.

Oo ngat nahahabag sa ng lipunang hindi maiwasto

Sa kasaysayan ng bayan mong nilalaro ng mga dayo.

At sa bawat lumilipas na kahapong puno-puno ng siphayo.

Nalulumbay ang buong diwa, nagdurugo pati puso.

Pangamba sa bawat bukas, parang multong kalaguyo.

At habang ino uk-uk ng kabulukan ang sistemang ito

Sa kaibutura´y na-aagnas ang pundasyon ng pangako.

Ng kalayaang parang isinabit sa kaydulas na palasibo

Habang nagsasaya ang mga uod sa nana ng ating mga sugat

At ang mga lintang sa laman at dugo ng baya´y nagpapasarap

Hinagpis ng pagdurusa ang sa lahi ngayo´y pinalalasap.

Kaya ang tanong na ito ng bayan ay para sa ating lahat.

Aanhin ba ang mapait na luhang hindi maipanglalanggas

Sa nagnanaknak na sugat ng lipunang hindi nagwawakas ?

Para saan ang iyong awang walang unawa´t pag-ganap.

Kung ang kanya ngayong pagdurusa´y di hahanapan ng lunas.?

Kaya sino pa ba ng dapat asahang mag-aral at maghanap.

Lunas na maghihilom sa lumalala nyang mga sugat.?

Di ba´t tayong mga anak ng bayang tunay na liyag ?

At kung hindi tayo ang kikilos sino pa ang dapat ?

Kung hindi tayo ang kikibo sino pa ang gaganap.?

At kung hindi ngayon, kailan ang katotohanan sasambulat?

EPOY: 06.02.07

http://www.pinas-first.com/index.php?option=com_content&task=view&id=56&Itemid=52

San na nga ba?

Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-samang labing-dal’wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa’t-isa

Madalas ang stambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na

Kay simple lamang ng buhay non
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon?

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon?

Sa unang ligaw kayo’y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada

Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga’y hindi nawala

At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan

Saan na nga ba, san na nga ba
Saan na nga ba’ng barkada ngayon?
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na nga ba’ng barkada ngayon?

Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa amin, tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan

Paminsan-minsan kami’y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa eskwela
Pag magkasama ay nagwawala

Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon

Magkaibigan, mga kaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon

Panaginip ko…

Akoy nanaginip , Panaginip na hindi ko mawari kung isa ba itong napakagandang panaginip o isang bangungot na kailangang kalimutan. Sari saring emosyon ang bumalot sa panginip na yaon. Di ko alam kung dapat na ba akong gumising o ipagpatuloy pa ang aking panaginip. Sa aking pagpikit noon, isang napakagandang senaryo ang bumungad, kaligayahan na hindi ko maipaliwanag. Para akong lumilipad sa ere, napakagaan ng pakiramdam, napakasarap na pangyayari. Hangang isang araw, ang kaligayahan ay biglang napawi, lungkot ang unti unting pumainlanlang sa kanina’y napakasayang panaginip!! Sakit, pait, at lungkot ang nangingibabaw, gusto kong magising noong mga oras na yun, subalit kahit isang liwanag ay walang sumiwang sa talukap ng aking mga mata!!! Pakiwari ko’y unti unti akong nauupos at nawawalan ng lakas!!! Ang tangi kong nagawa y tumakas at magpakalayo layo sa halimaw na gusto akong kainin sa kalungkutan!! Gusto ko munang magising para mawala ang sakit at pait. Gusto kong labanan ang halimaw na yun ngunit kahit konting lakas ay wala akong maipanlaban. Kung sanay kaya kong kontrolin ang panaganip na yun, disin sanay puro kaligayahan at kasiyahan lang ang gagawin ko!! Ngunit hindi ko kayang kontrolin, mahina ako, takot ako, tangi ko lang nagawa ay sumigaw ng pagkalakas lakas. “ TIGILAN MO NA AKO PARANG AWA MO NAAAAAAAAA …………….” Pagkatapos mailabas ang huli kong lakas, humupa ang bangungot, unti unting umaliwalas ang lahat. At bigla na lang akong nagising pawis na pawis at hinang hina. Isang malalim na butong hininga ang tangi kong nagawa.

Sa ngayun di ko alam kung tapos na ang bangungot, maraming beses na ginagambala ako, nangangako ang gabi na isang magandang panaginip ang kanyang ibibigay, pero ayaw ko ng magbakasali, 2 beses ng naulit ang bangungot na yun, baka sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ako magising pa!!! Bagamat ang madilim na gabi ang nagbigay sa akin ng pinakamaligayang panaginip noon pero ito rin ang nagbigay ng pinakamalungkot na bangungot ngayon. Sa aking panaginip noon, may isang anghel na nangangakong magdadala sa akin sa langit, pero natatakot ako na pag muli akong sumama sa anghel na yaon, ay magpalit sya ng anyo at maging isang halimaw na kakainin sa akin ng buo at iiwanan akong walang buhay at gutay gutay.Natatakot na ako.

Buti na lang at nagising na ako. Muli na akong bumalik sa realidad ng buhay.Subalit sa paggising ko nag-iwan sa kin ito ng Takot na muling pumikit. Takot ,na baka bangungutin akong muli!!Marahil, Iintayin ko na lang ang ang gabi na handa na akong pumikit at panaginip.Basta hindi muna ako matutulog sa ngayun,. Sa pagsara ng talukap ng aking mga mata sa gabing aking pinaghandaan naway isa napakasayang panaginip ang aking maranasan na aabot hanggang sa huli . Hindi na itong isang bangungot na pagdadala muli sa akin sa dilim ng karimlan. Basta iintayin ko na lang ang gabi na yun….. Iiintayin ko ang magandang panaginip na yaon…….at Iintayin ko na lang ang anghel na magdadala sa akin sa langit ng kaligayahan………

Ang buhay teenager…

Ang buhay teenager ay parang pagkain sa school canteen. Paulit-ulit, pare-pareho, ganut-ganoon parati ang nakikita at ginagawa kaya madalas nakakasawa at nakakawalang gana.

Para rin itong palabas sa sine o T.V. dahil sari-sari ang mararanasan mo. May comedy, drama, action, love story at kung minsan sci-fi din.

Pwede mo ring ikumpara ang buhay teenager sa mga auditions. Minsan nakakapasa, minsan bumabagsak at pumapalpak.

Tulad din ng exams ang buhay teenager. May multiple choice o matching type kasi kailangan mong mamili kung ano ang pinakatamang sagot at kung saan nababagay ang isang sitwasyon o pangyayari. May identification rin or fill in the blanks rin. May true or false at essay din. Alamin mo kung tama at mali ang isang bagay o pangyayari. May malinaw na paliwanag sa personal na opinyon.

Para ring hilig at interes ang buhay teenager. Kung ano ang uso o bagay, syempre iyon ang susundin, gagawin at pagtutuunan ng pansin.

Ito rin ay parang panliligaw o pagde-date. May sinuswerte, may minamalas.

Kung ihahambing mo naman sa mga balita o tsismis ang buhay teenager, may pagkakataon na talagang magulo, nakakainis at nakakalito ang mga naririnig mo at mga nangyayari sa paligid mo kaya tuloy minsan hindi mo na alam kung ano at sino ang paniniwalaan mo.

Kaparis din sa pakikipagbarkada ang buhay teenager. Masaya ito lalo na kung maraming gimik. Mahirap at malungkot naman minsan lalo na kung merong konting tampuhan at k

ung hindi mo na alam kung saan ka lulugar.

At panghuli, parang pagsakay sa jeep ang buhay teenager. Minsan nakakainip at nakakainis, yun bang hindi mo alam kung saan o kelan ka dapat sumakay at kung kelan ka iiwas para walang sabit.

Kabataan, Pag-asa ng Bayan

Ayon kay rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bayan. Sila ang magiging tulay ng ating tagumpay. Kailangan lang nila ang ating suporta at paniniwala.

Dumarami na ang kabataan ngayon, sa katunayan tayo ang may pinakamaraming bilang ng populasyon sa mundo. Sa atin maipapasa ang pamana hindi lamang sa yaman at ari-arian pati na rin sa pisikal na kaanyuan.

Ako ay naniniwala na ang bawat batang isinisilang sa mundong ito ay may angking talino at higit sa lahat angking talento na maaring makatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Tayong mga kabataan ang siyang kalikasan para sa kinabukasan. Halina at iwasan natin ang pagkakamaling ating naranasan. Oras ng magtubos, bayan natin ay huwag nating sayangin at huwag hayaang maubos. Oras na para kumilos, tumayo at magkapit bisig para sa bayan.
Huwag nating hayaan na masangkot sa masasamang bisyo! Kundi gamitin ang angking talino. Kapag ang tao ay masipag, tumatatag ang buhay kaya mga kapwa ko kabataan tayo na at magsumikap kahit mahirap ialay ang pawis sa kinabukasan upang tayong lahat ay mabiyayaan.

Kaya’t napili ni Rizal ang Kabataan dahil ang mga kabataan ay may malawak na imahinasyon o pag-iisip kaya’t tayo na at maging tunay na bayani makabagong Pilipino. Sulong kabataan ipakita ang lakas, tunay at wagas na pag-asa ng bukas. Huwag kalilimutan na ano man ang naisin ay gawin mong magaling at sa puso ay mangaling. Oras ay ginto, gamitin ng mahusay, dahil ang oras ay walang hinihintay.

http://mond08.multiply.com/journal/item/41

Happily Every After?

Malimit akong makarinig ng kaibigan ko na nagsasabing ‘Being Single is COOL!’ Sa isang banda ay tama sila pero mas malimit akong makarinig ng mga nakasimangot at umiiyak na puso na asa isang relasyon. Para silang nasasakal. Mukha silang malungkot at ‘di nag-eenjoy. Parang gusto nilang tumakas. How sad?

Napaisip ako nitong mga nakaraang buwan kung bakit nga ba ganun ang lagay ng karamihan sa mga kaibigan kong may nobyo o nobya. Naisip ko na, ganun ba talaga o sadyang may mali sa ginagawa nila? Syempre pa, panay ang aking payo sa kanila tungkol sa ano ang dapat at ‘di dapat. Walang puknat ang aking pangangamusta sa kanila upang malaman kung ano nga ba ang mga sanhi at bunga pero hanggang ngayon ay mukhang malungkot pa rin ang karamihan sa kanila at nagbabalak maging ‘COOL’ sa pamamagitan ng pagiging ‘SINGLE’.

Sumasaya nga lang ba ang isang tao pagkatapos ng bawat relasyon na para bang nakawala o nakahinga sa mahabang pagkakasakal? Kaya ba medyo magkatulad ang mga salitang ‘sakal’ at ‘kasal’? Tama na ang tanong dahil baka makalimutan ko ang mga sagot na naisip ko. Shoot!

Ano nga ba ang relasyon? Ano ang silbi nito? (last ) Hindi ko masasabing mali ang mga nararamdaman ng mga kaibigan koJna tanong na patungkol sa mga relasyon dahil sa totoong buhay ay mas nakararami ang malungkot kaysa sa masaya. (jadeleon.livejournal.com) Nangyayari ito dahil sa mga sumusunod na (‘di ko alam sayo) maling pamamaraan ng pagpapahiwatig ng L_ove. Sabi nga dati ng aking kaibigang guro, “Love can never ever be wrong, it’s the way people express it, which makes it wrong”. Napaisip ako noong narinig ko yun at naalimpungatan din ang aking emosyon na naging sanhi ng isang malupit na hiwalayan. May mali sa ginawa ko. Pero mas mali ‘pag wala akong ginawa at nagpatuloy sa maling gawain. Malungkot kung malungkot pero kailangan kong kumilos dahil mas naiintindihan ko ang sitwasyon at mas kilala ko ang aking sarili. Sugal kung sugal.

Ilang taon na ang lumipas pagkatapos nun at ngayon, masasabi kong MAS kilala ko na ang sarili ko kung ikukumpara sa dati. Sa kasawiang/kabutihang palad, naging kapalit nun ang relasyon na inakala kong OK. Nagtatanong ka siguro kung eto na ba yung sinasabi kong ‘Happily Every After’…OO na HINDI. OO dahil masaya akong mas nakilala ko ang sarili ko matapos ang ilang mga relasyon. HINDI dahil ‘di ko alam kung hanggang kailan ko ito kakayanin. HINDI, dahil ngayon, mas umaasa sa akin ang aking mga kaibigan, magulang, at lipunan sa pangkalahatan. Umaasa silang MAS gagawin ko na ang responsibilidad ko bilang tao-to affect lives. (imbento ko lang yun, pero yun sa tingin ko ang responsibilidad ng lahat ng tao) Ito na rin ang magiging paliwanag ko kung bakit hindi kailanman matatanggap ng aking pagkatao ang kasabihan “Being Single is so COOL”, “Pag single walang iniisip”, atbp. Dahil kung iisipin natin, mas nagiging madamot tayo sa saya kapag meron tayong nobyo o nobya. Nasabi ko ito dahil sa tuwing may nobyo o nobya tayo, parang sa inyong dalawa lang umiikot ang mundo. Parang ang saya-saya. ‘Parang’. Kung ikaw sa sarili mo ngayon ay napapataas ang kilay sa huling pahayag ay wala na akong magagawa pero ang sa akin lang, hindi ka dapat pumasok o napasok sa isnag relasyon kung saan MAS hindi ka OK dahil sa kahit anong anggulo pa natin tingan: ‘you deserve something/someone better’

Medyo gumulo ang mga nasulat ko. May mga bagay na kumukontra sa isa’t-isa kaya mamarapatin ko nang tapusin at I-summarize sila para magkaalaman na.

Siguro sa hinaba-haba ng buhay mo sa mundo na’to ay naisip mo na kung ano nga ba ang tingin sa’yo ng ibang tao. “Ano ba ang tingin nila sa akin sa antas na pisikal.” Maganda, mataba, sexy, maputi, makinis, panget. Aminin mo na higit isang oras ang ginugugol mo sa harap ng salamin araw-araw para lang magkaroon ng kapiranggot na ideya kung ANO NGA BA ANG TINGIN NG IBA SA AKIN. Sa kasamaang palad ay hindi natin kailanman malalaman ito dahil kahit punuin pa natin ang ating tahanan ng salamin at tumingin ditto ng 24/7 ay hinding-hindi natin mahihiram ang mata ng ibang tao, lalo na ng ating nobyo o nobya. Ang pagkakaroon ng tao sa buhay mo (nobyo man o hindi) ay isang pagkakataon upang makatikim ka ng realidad tungkol sa iyong sarili. Reality check kung baga. Habang totoo na ang ilan dito at masakit o masalimuot ang ending, andun pa rin ang pangako na nagsasabing: Ngayong kilala mo na ng MAS mabuti ang iyong sarili, SAAN KA PUPUNTA?

http://jadeleon.livejournal.com/

Tinamaan ng Unlimitext

Tandang-tanda ko pa dati nung asa hayskul pa ako, usong-uso ang telebabad. Masayang-masaya ang mga kalalakihan at kababaihan noon sa tuwing nakakausap nila ang kanilang mga kaibigan at ka-ibigan sa telepono sa buong magdamag o maghapon. Hanggang ngayon ay natatawa at namamangha pa ako dahil pilit kong inaalala kung ano ba ang mga pinaguusapan naming noong mga panahong iyon para umabot kami sa ganung katagal na pag-uusap. Mahirap na silang balikan isa-isa dahil baka ‘di ko matuloy ang pagsulat sa entri na ito at abutin lang ako ng magdamag. Kaya isasantabi ko na muna ang intro at titirahin ko na ang pangunahing paksa ng entri na ito.

Ilang buwan lang ang lumipas (mula sa telebabad days) ay unti-unting nagbago ang takbo ng pakikipag-kaibigan at pagliligawan. Ang sanhi nito ay ang GSM technology/SMS o sa madaling salita ay text messaging. Ito ang ‘pinaka’ murang paraan para ang dalawang tao ay makapagbolahan, makapagkwentuhan, at paminsan ay makapaglokohan. Pero siyempre alam niyo na iyon kaya hindi ko na pahahabain pa ang parteng ito.

MENU

Noon, ramdam na ramdam ng mga nagliligawan ang kilig na dulot ng text. Yung tipong “Uuuuyyy…kinuha niya ang number ko, ibig sabihin ay interesado siya sa akin”,“Ang sipag niya magtext, sobrang hindi niya iniisip ang gastos at pagod ng daliri”. Yung iba dito malamang palagay lang nila ngunit gayumpaman, aminin natin na nakakakilig o sadayang nakakatuwa talaga ang makipagtext,lalo na kung gusto mo yung taong katext mo. (Uuuyyyy!)

MESSAGES

Hindi nagtagal ay nagsulputan na ang iba’t-ibang kumpanya ng networks. Nagsimula sa Globe tapos Smart, Touch Mobile, Addict Mobile, Talk n Text, at Sun Cellular. Dito nagsimulang mag-iba ang siste dahil nung nangyari ito, isa-isa nang lumabas ang tunay na kulay ng mga ‘texters’. Anong kulay?. . . Kuripot.

WRITE MESSAGE

Ewan ko kung mahirap lang talaga ang buhay ngayon o sadyang mababa na talaga ang tingin ng karamihan sa pakikipagkwentuhan sa kanyang kapwa. Mababa dahil kung iisipin natin, text na nga lang tapos nagtitipid pa. Text na nga lang tapos namimili pa ng network. Ngayon mo maririnig ang mga sikat na punchline tulad ng “ay, hindi siya Sun”, “naka-unli ako eh, makitext ka sa Globe”, “ang ganda niya at ang bait kaya lang ‘di siya naka-Smart eh!” Hindi ko manamnam ang katotohanang nangyayari talaga ang mga ganitong pangyayari, at mas lalong ‘di ko matikman ang realidad na malaki ang posibilidad na ang pagiging Globe, Smart, o Sun ng iyong network ang maging mitsa ng anumang relasyon na meron ka sa isa pang tao. Siguro tumataas na ang kilay mo pero sasabihin ko sa’yo: Nangyayari ito sa totoong buhay, hindi ito text joke.

SENDING MESSAGE

Hindi ako galit sa teknolohiya, at mas lalong hindi ako galit sa cellphone dahil totoong mas marami itong naibibigay na mabuting bagay kumpara sa pangit at masama. Ang tanging hindi ko lang maintindihan ay ito: Ang maling paggamit ng tao sa unlimited texting. Ewan ko lang sa iyo pero ang alam ko, hindi kasingkahulugan ng unli ang 1) Hindi pagrereply sa mga tao 2) Ang hindi pagtetext sa tao. 3) Ang malabis na pagsend ng mga quotes at jokes na walang sinseridad 4) Ang malabis na pag send ang iloveu gamit ang ‘unlimited texts’.

Ang panghuli ang pinaka nakakasuka sa akin. Mas nakakasuka pa dahil madaming tao ang nahahalina sa ganitong siste ng ligawan at lambingan.

MESSAGE SENDING FAILED

Simple lang naman ang gusto kong sabihin dito. Nais ko lang magsilbi itong paalala na KAHIT KAILAN AY HINDING-HINDI matutumbasan ng 1 milyong iloveu sa text ang isang I Love You na mula sa bibig ng taong sinsero.

MESSAGE SENT

http://jadeleon.livejournal.com/

..FrIeNdStEr..

Walang Magawa.

Tatlong oras pa bago ang uwian at wala akong magawa dito. Medyo napipikit-pikit na ako nang bigla kong maalala na may masayang pwedeng gawin sa tuwing wala akong magawa. FRIENDSTER. USER SEARCH.

Naka-apat na akong account sa friendster. Lahat sila binura ko dahil sobrang uso na. Nagpapantig rin kasi ang tainga ko sa tuwing makakakita/makakabasa ako ng mga ganito: add me up....add niyo poh me....etc...etc. At hindi pa sila nakuntento, inuulit pa iyon ng sampung beses. Ngayon ay may bago na naman akong account dahil mainam talaga siyang uri ng communication sa panahon ngayon. Minsan sadyang malabo lang talaga. Ganun na ba talaga ka desperado ang mga tao? Ganun na ba ka Loser ang ilan kaya ang ginagawa na lang nila ay mang-message at mang-add ng bigla bigla lang? Nakakatuwa. Nakakatawa dahil ngayon, nang-me-message na rin ako. Hindi pa naman ako umaabot sa puntong nang-a-add (sana hindi hehe).

Ano ba ang dahilan ng pagiging ganun ng tao? lalo na ng kabataan?

Hindi ko alam.

Kanina, tiningnan ko yung account ng mga crush ko. Take note ah...MGA! Nakatutuwang isipin na sa panahon ngayon ay malaya mo na itong magagawa nang hindi nahihiya o anuman. At makasisiguroka pang 1st class ang mga larawan na makikita mo dahil sino ba naman ang mag-popost ng mga panget na larawan diba? lalo na kung buong mundo ang makakakita nito. Isa siyang palengke ng mga litrato, mga salita, mga personalidad, isang pamilihan ng mga account, isang lugar kung saan ibebenta mo ang iyong sarili. Iyan ang Friendster. Syempre dapat maganda ang lahat ng aspeto ng iyong account. Ang picture. Ang blog. Ang profile. Isama mo na diyan ang interests, hobbies, books at movies. Dapat cool. Dapat mabenta.

Ano ang bunga nito?

Alam ko. (yata)

Maraming kaibigan (friendsters), at para sa ibang tao, maraming account. Ang saya nga naman isipin na madami kang kaibigan kahit na karamihan sa kanila ay may parehong intensiyon, gaya ng sa iyo (paramihan ng "kaibigan")

Dati, galit na galit ako sa mga taong sobrang dami ng kaibigan sa friendster, lalo na sa mga doble doble ang account. Pero ngayong nakita ko ang sarili kong naninilip ng account ng iba habang walang magawa ay napaisip ako. Naisip kong hindi naman siya talagang masama o aksaya sa oras. Kung iisipin, ayos nga siya eh dahil sa isang punto ay nagagawa nitong ipakita sa iyo ang lahat ng posibilidad. Naipapakita rin nito sa iyo ang walang hanggang posibilidad ng mga bagong pagkakaibigan, mga lumang pagkakaibigan na nahuhugasan ng mga bagong kwento, at marami pangiba. Sana lang ay may mga tao rin na tumatangkilik sa mga posibilidad na naibibigay ng friendster at hindi lang sa "paramihan-ng-kaibigan" na aspeto nito.

http://jadeleon.livejournal.com/

Panawagan ng Ating Panahon sa mga Kabataan

May mga panahong ang mga kabataan ay hinahamon ng mga kalagayan upang tumangan ng mabigat na pananagutan alang-alang sa bansang kinabibilangan. Isa ito sa mga panahong iyon.

Sa isang pambihirang pagkakataong walang dahilan upang di sang-ayunan ang kanyang mga ipinahahayag, nawika kamakailan ni Dr. Virgilio Almario — Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan ng 2003 — na “itong ating panahon ay isang napakasagwang panahon.” Tunay na sakdal ng kasagwaan ang kasalukuyang panahon. Kayhirap isipin man lamang na ang ating bansa’y maaari pang masadlak sa lalong kasulu-sulukasok na kalagayan.

Kinakain ng kumunoy ang ating ekonomiya. Isang elemento na lamang ng mga pantasya ang pamamayani ng mga batas. Ngayon natin nakikita nang harap-harapan ang itinaghoy ng bidang lalaki sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas: “Kagalinga’t bait ay nalulugami/Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Habang humahaba sa bawat sandali ang hanay ng mga namamalimos ng kahit isang kagat na tinapay — palatandaan ng walang-patlang na paglubog ng ating mga karaniwang mamamayan sa lalo’t lalong kadustaan — may iilan sa mga bulwagan ng kapangyariha’t pribilehiyo na parang si Marie Antoinette, yaong reyna ng Pransiya noong dulo ng ika-18 dantaon na nagsabing hayaang kumain ng mamon ang mga walang makaing tinapay. Sila’y di nahihiyang ipagyabang ang kabundatan ng kanilang mga tiyan sa harap ng madlang ang mga butas sa sikmura’y kasinlalaki na marahil ng mga kamao.

At ilang daan na sa mga kababayan nating nakipaglaban alang-alang sa maayos na hanapbuhay, matinong edukasyon para sa lahat, at lubos na pakikinabang sa mga serbisyong panlipunan — na hinahangad din ng mga kabataan — ang tinamnan ng mga punlo sa mga dibdib at ulo? Kabilang sa kanila ang mga kabataang sina Ramon Ternida, Benjaline Hernandez, Edilberto Napoles Jr., Eden Marcellana, Isaias Manano Jr., Juancho Sanchez, Jhaivie Basilio, Marvin Montabon, Cris Hugo, at Rei Mon Guran.

Samantala’y nasa halos 200 na ang mga kababayan nating nawala na lamang at sukat, sa loob ng nakaraang limang taon, at hindi malaman kung buhay pa o patay na — kabilang ang mga kabataang sina Karen EmpeÖo at Sherlyn Cadapan.

Dahil dito, saan mang dako tumingin ang mga kabataan ay waring walang matanaw na magandang kinabukasan.

Sa ganitong panahon, ang mga kabataan ay tinatawag ng bayan upang tumugon sa mga hamon ng mga pagkakataon. Lagi’t laging umaasa ang bayan sa mga kabataan sa mga panahon ng malaking pagsubok sapagkat sila ang karaniwang nasa rurok ng lakas ng isip at katawan.

Noong panahon ng rehimeng Marcos (1965-1986), malaking papel ang ginampanan ng mga kabataan sa pagsisikap na muling palitawin ang liwanag sa bansang binalot ng dilim.

Hindi pa nga nakatatapos ng kolehiyo si Vicente Ladlad, habang halos katatapos pa lamang ng pag-aaral ni Rafael Baylosis, nang sila’y magpasyang tahakin ang landas ng kasukalan upang labanan ang mga sundalo ni Marcos na naghasik ng lagim sa buong bansa. Ang kabataang abugadong si Enrique Voltaire Garcia II ay buong tapang na nagtanggol sa mga pinaratangang “subersibo” sa harap ng hukuman, habang ang estudyanteng manunulat na si Abraham Sarmiento Jr. ay napabantog dahil sa kanyang matatapang na editoryal laban sa diktadura.

Ilan sila sa libu-libong kabataang nang mga panahong iyon ng pagsubok ay lumabas mula sa kani-kanilang mga comfort zone upang gawin ang tila hindi maaari. Napatalsik si Ferdinand Marcos noong 1986 at malaki ang naging papel ng kabataan sa dakilang kaganapang ito.

Ang Pilipinas ay nasa isang yugto ng kasaysayang higit pang masahol sa panahon ni Marcos. Tila wala nang higit pang sasahol sa kalagayan ngayon ng ating bansa.

Sa pinakamalawak na maaaring depinisyon ng terminong kabataan — yaong mga nasa gulang na 13 hanggang 35 — ang sektor ito ng ating populasyon ang siya nang pinakamalaki, at lampas na sa kalahati ng kabuuang mamamayang Pilipino, ayon sa mga estadistika ng mismong gobyerno.

Anong laki ng kapangyarihan ang taglay ng ganitong bilang! Anong himala ang kayang gawin ng ganitong kapangyarihan!

Ngayon at higit kailanman, lubusang matwid kung ang mga kabataang Pilipino ay maramihang susunod sa mga yapak ng mga kagaya nina Ladlad, Baylosis, Garcia, at Sarmiento.

www.tinig.com

Sa Aking mga Kababata

Francis Maycacayan

Lahat tayo may mga bagay na gustong balikan, mga panahong sumasariwa at nagpapaalaala ng ating kabataan.

Nakapaglaro ka ba ng tumbang preso? Lata lang ng Alaska na pinukpok ang mga gilid at tsinelas na de-sipit o kaya ay alpombra, masaya na.

E, ang taguan sa ilalim ng buwan? Magkapatong ang iyong mga kamay habang nakaharap ka sa poste o bakuran, ano nga ba ang kanta dun?

Nalaro mo rin ba ang agawang base, touching robert, gol-den gol-den at does the color?

Ilan lamang ‘yan sa mga laro nung ating kabataan. Hindi mo inaalala ang pera dahil wala namang pusta, di tulad ng mga video games na minsan inilalayo tayo sa iba.

Nakakain ka na ba ng street food? Fishball, kikyam, cheesecake, kwek-kwek, tsaka tokwa na dalawang pisong may kanto pa noon ang uso. Sa ‘yo, ‘yun e daig pa ang Jollibee. Minsan nga kapag nahulog sa garapon ng sarsa pilit mo pang kinukuha o di kaya’y hihirit ka ng “Manong, palitan nyo nahulog po sa loob!”

Kung wala namang pera, makabili lamang ng Pop Cola ay maglalambing kina tiyo at tiya kasabay ang pangakong bubunutan sila ng puting buhok o matutulog ka nang tanghali.

Noon, madalas ang picnic. Toka-toka tayo ng dadalhin para lamang makasama — sa ilog, sa gubat sa parang at kahit nga sa likod ng bahay ay ayos na. Gumagawa pa tayo ng bitag o patibong para makahuli ng pugo o di kaya ay kabatu-bato.

Kwebang tinik alam mo pa? Ang mga sanga ng puno at mahahabang damo ay babalumbunin para magmistulang kweba na may kunyari’y tinik.

Nakapag-tumbling ka na ba sa dayami? Di ba pag-uwi mo, pilit mong pinapakamot sa nanay mo ang likod mong kating-kati?

Nilalagyan ang bulsa mo ng isang dakot na buhangin dahil hindi ka na naman tumaya sa agawang bola. O di kaya’y ayaw mo kunin ang picha ng Chinese kit na napunta sa malayo. Di ka na nga isinasali sa larong siato dahil madalas kang mandaya sa pagbilang.

Nakakatuwa di ba? Andaming pwedeng paglibangan noon na walang bayad — para sa atin libre ang lahat.

Basketbol na medyas at stocking ang bola at ang goal naman ay lata ng Magnolia na binutasan ang puwitan.

Niluma ni ate ang manika ni Princess Sarah na yari lang sa karton ng sigarilyo o kaya ay yung patigas sa likod ng intermediate na papel — may Pambansang awit pa nga, di ba? Mas maganda kung gawa ito sa cardboard, napapalitan din ito ng damit depende sa okasyon, pwede ring mamili ng partner basta magaling kang magdrawing at gumupit. Minsan nga naririnig ko sila ng kanyang mga kalaro na may dubbing at voice over pa.

Masaya tayo kapag umuulan, makakapagtampisaw na naman sa baha tapos nun, shower ka sa alulod ng bahay ng may bahay. Pinapaanod pa nga natin ang tsinelas na goma para kunwari’y balsa.

Kapag napagod na ay haharap sa TV. Aabangan si Nelo o di kaya ay si Cedie. Nagagalit ka kapag inaapi sya ng Mahal na Konde, nalulungkot ka naman kapag nawawala si Patrash. Sina B1 at B2, di ba nag eenjoy ka kapag naglalaro sila nina Lulu at syempre ang mga kaibigang oso.

Noon ang tinatawag na text ay yung pitik o yung mga maliliit na cards na may drawing na eksena sa pelikula. Kinukulayan pa natin, tanda na iyon ang malabas mong pamato. Hindi gaya ngayon ang text ginagawa kapag may cellphone ka.

Naging musika na sa atin tuwing madaling araw ang sigaw na “pandesal”. Kahit tinatamad kang bumangon. pipilitin mo para lamang makabili nito at isasawsaw sa mainit na kape.

Kapag tanghali naman, tuwang-tuwa ka kapag dumaraan ang nagtitinda ng ice drop, putong kawali na may libreng tsaang gubat, mais, bibingka, sinok mani, palitaw, ginataan, suman, at kung anu-ano pa. Marinig mo lang nga ang kalembang ng maliit na kampana, agad kang tumatakbo kahit magkandarapa.

At sino ang makakalimot sa taho? Di ba ang sarap lalo na kung maliliit yung sago at madami ang arnibal.

Niluma rin natin ang cellphone noon. Naaalala mo pa ba ‘yung mga lata na binutasan natin ng pakong de-uno tsaka yung pisi na pantahi ng sako na kinakabit natin sa mag magkabilang dulo tapos tag-isa tayo? Puwede rin ang party line kahit ilan.

Kapag panahon naman ng mais nakikipag-unahan tayo sa mga matanda para mananlaw ng gagamba. Gamit natin ay flashlight pero ang paalala nila, ingat daw sa ahas tubo.

Ang duyan natin na gawa sa sako ng bigas at ang lubid na pambigkis sa baboy ay ating ipinapakabit sa puno ng mangga, at sabay nating kinakanta ang “telebong telebong…”

Haaay! Kay sarap maging bata noon di ba? Sayang di nila inabot. Hanggang balik tanaw na lang ba?

www.tinig.com

Ang Nais Mabatid ng mga Kabataan

Itong ating bayang Pilipinas, na dating pinamamahalaan ng mga mananakop, ay hitik ang kasaysayan sa mga kuwento ng pagsalunga at pakikibaka. Noo’y nilabanan ng mararahas na mga anak ng bayan ang mga Kastila, Amerikano at Hapones na nang-alipin sa atin. Gayundin, ilang dekada na ang nakalilipas nang ang mga mamamayan ay mag-alsa at sipain palabas ng Palasyo ng Malakanyang ang isang diktador. Karamihan sa ating mga kabataan ngayon ay paslit pa lamang noong maganap ito. Ngunit ilang taon pa lamang ang nakalilipas, tayo man ay nakibahagi sa isang pag-aalsang muling nagpatalsik ng isang perwisyong Pangulo.

Nasaksihan at sinalubong natin ng pagbubunyi ang pagluklok ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Palasyo. Sa noo’y matamis niyang dila ay nangako siyang lalabanan ang kahirapan, iaangat ang pamantayang moral sa pamahalaan, itataguyod ang bagong politika, at magiging isang mabuting modelo ng malinis na pamamahala.

Mahigit limang taon na mula nang ito ay mangyari. Ngunit ano ang kinahinatnan ng pamamahala ni Ginang Arroyo? Lalong nagutom ang mga Pilipino, nangibabaw ang mga trapo, at nagsunud-sunod ang mga paratang ng katiwalian sa Unang Pamilya.

Sa lahat ng ito, may nakikita ba tayong pagtupad sa mga pangako? Wala, kundi pawang kataksilan. Sa halip na ipinagakong kagalingan, binaha tayo ng mga kasinungalingan at pagbaluktot sa ating mga pagpapahalaga.

At kung tayo’y mangahas na ipahayag sa mga lansangan ang ating pagnanais na mabatid ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersiyang gaya ng “Hello Garci”, ang nagiging kasagutan ay kamay na bakal. Ang bawat isang himutok na ating ilabas ay itinuturing napakalaking kasalanan at agad tinatapatan ng mala-hayop na kabangisan. Ngayong unti-unting inaalis ang ating karapatan, ngayong pilit na tinatakpan ang katotohanang nais mabatid ng mga kabataan, ano ang dapat nating gawin?

Ang liwanag ng araw na sumisikat sa Silangan ay nagtuturo sa atin ng makatarungang landas na dapat nating tahakin. Itinuturo ng katuwiran na magkaisa sa paghahanap ng lunas sa naghaharing kasamaan sa ating bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang ipakita na tayo’y may hiya, puri at pakikisangkot. Panahon nang muling isiwalat at balikan ang tila nakalimutan nang mga dakilang aral ng mga nakalipas na pag-aalsa. Dapat nang kumilos tungo sa katotohanan, katarungan, at kalayaan.

Muli nating gisingin ang tila natutulog na kaisipan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsusulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan. Lumabas tayo at makisangkot.

http://www.tinig.com/v44editoryal/

Bayan

Rey Tamayo, Jr.

Mutyang Pilipinas ang ating tahanan,
Dumaan sa hapis, pagluha at lumbay;
Sa maraming taon alipin ng panglaw
Pag-asa’y giniba nitong agam-agam.

Ang umid na tinig nitong ating bayan,
Sa nasang pagsigaw ng katotohanan;
Tanging mga luha dahang lumilitaw
Na umindang pilit hapo na at pagal.

Kelan malalagot ang muhi’t hilahil?
Sa sumpang kay pait ng pagka-alipin.
Kalayaa’t dangal handa nang ilibing,
Tayo ba’y luluhod sa alok ng lagim?

Ang mga bayaning huwaran sa tatag,
Na hindi nasupil sa mga bagabag.
Bagkus pa’y lumaban sa sigwang kay alab
Buhay ma’y masawi aariing ganap.

http://www.tinig.com/bayan/

Pag-ibig ang Bumubuhay sa Atin

Jon Magat

“O, pag-ibig— kapag pumasok sa puso ninuman,
hahamakin ang lahat masunod ka lamang…”

Ito ang bantog na linya sa obrang tula ni Francisco Baltazar, kilala rin bilang Francisco Balagtas, ang Florante at Laura.

Hanggang saan nga ba ang kayang hamakin ng isang taong tunay na umiibig? Hindi ba’t kapag ang isang tao ay nagmamahal, handa niyang ibigay ang kaniyang panahon, tinatangkilik maging ang kaniyang buhay alang-alang sa pinag-uukulan ng pagmamahal na ito? Hindi ba’t mas lamang ang pag-aalay ng sarili kaysa pagtanggap ng pakinabang sa isang minamahal? Maituturing bang pagpapakamartir ang pagbabata ng kahirapan dahil sa isang minamahal? Kasalanan bang maghirap ang isang tao dahil patuloy niyang isinasaalang-alang ang pag-ibig sa kaniyang pinag-uukulan nito?

Sa pagitan ng dalawang nag-iibigan, hindi ito maituturing na karaniwan kung walang pagpapakasakit. Dahil sa kapintasan ng isa ay mas naipakikikita ang wagas na pag-ibig. Hindi sa panahon lamang ng kaginhawahan dapat umiral ang pagmamahal kundi higit lalo na sa panahon ng kagipitan. Maaaring manaig pansamantala ang kahinaan at mabunton ang lahat sa sisihan ngunit sa paglubog ng araw, mananariwa sa isipan na kailangang magtulungan. Hindi kaya ng isa lamang na buhayin ang pag-ibig. Mahalagang makapitan ang isang bisig ng tunay na nagmamahal sa panahong tila nilalamon na ng kumunoy ang kaniyang kalagayan.

Nais kong tanawin ang ganda ng kalikasan na inilalaan ng bansang Pilipinas para sa akin. Dito ay nagiging payapa ako at ipinaaalaala niya sa akin na mabuti ang mga kamay ng Lumikha sa pamamagitan ng mga yamang-likas na hindi naibiyaya sa lahat ng bansa. Dito natuto akong mabuhay, kumilala at magmahal sa loob ng mahigit tatlumpung taon ng aking buhay. Isang bayan na nagmulat sa akin ng mabuting pakikitungo sa kapuwa, na bagama’t nasasabi kung sino ang maykaya at salat, pantay-pantay pa rin ang pagkilala sa iisang bansang tinatahanan. Isang kultura na mayaman sa paggalang sa mga magulang, at marunong rumespeto sa karapatan ng mga kabataan. Mga mamamayan na kahit nagtatalo bunga ng pagkakaiba sa mga paniniwala at adhikain ay likas namang nagkakaisa sa mga panahon ng krisis at pangangailangan. May takot sa Diyos,marunong magsisi sa kasalanan at humingi ng tawad sa mga pagkukulang. Mga taong masayahin sa gitna ng sapin-saping kahirapan at suliranin sa buhay. Likas na matulungin. Mapagmahal sa pamilya at masipag saan mang bahagi ng mundo mapunta.

Mahal ko ang Pilipinas, iniibig din niya ako. Sa panahon ng kagipitan, walang iwanan. Lumayo man ako nang may ilang distansya, ang puso ko ay nananatiling nasa iyo, mahal kong lupang tinubuan. Pangako, kung ako man ay pansamantalang lumisan, pagbalik ko ay laan ko sa iyo ang malaking karangalan! Hindi man ako sumikat sa aking pupuntahan, patatanyagin kita sa mga dayuhan upang malaman nila kung ano ang meron ang mga Pilipino na hindi nila maaangkin kailanman. Marami tayong binabata, marami tayong dapat ayusin. Hindi mo kaya kung iiwan kita at di ko rin kaya kung ako’y tatalikuran mo. Sabay tayo. Tunguhin natin ang maningning na bukas na mahigpit ang pagyapos sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng pag-ibig ay kaya natin ito… at sa pagsikat ng bagong araw, ikaw ay mahahalintulad sa isang paraiso at ako ay magagalak na kasama mo.

http://www.tinig.com/pag-ibig-ang-bumubuhay-sa-atin/

Ang Dugo ng Makasaysayang Lahi ng Pilipino

Herwin B. Cabasal

Sa simula pa’y nakaukit na sa mukha ng daigdig ang isang natatanging hiyas sa dakong Silangan.

Pilipinas. Bayan ng aking lahi.

Isang perlas na sa simula pa’y nagniningning na sa kanyang kariktan. Hindi kataka-taka na masilaw sa kanyang busilak na liwanag ang mga dayuhan mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo.

Pilipino ako. Katulad ko, ikaw ay isa ring tunay na Pilipino. Ang ating mga magulang ay Pilipino katulad ng ating mga ninuno. Ikaw at ako ay kapwa isinilang sa bansang Pilipinas. Sa bayang ito’y una nating nalanghap ang hanging nagbibigay-buhay. Sa bayang ito’y una nating nadama ang mainit na haplos ng init ng araw. Sa bayang ito’y una nating nasilayan ang angking kagandahan ng daigdig. At sa bayang ito’y nag-ugat ang ating sariling lahi sa kanyang kayumangging lupa.

Mapalad ang bawat Pilipino sapagkat ang kanyang bayan ay lubos na pinagpala. Isinabog sa Karagatang Pasipiko ang mahigit pitong libong malalaki at maliliit na isla na animo’y mga batong hiyas na lumulutang sa katubigan. Sumisikat ang maaliwalas na araw sa kanyang tatlong bituwing nagniningning. Binabalot ng matatarik na kabundukan na nababalutan naman ng mga matatayog na puno at halaman. Mabibighani sa luntiang kabukiran na pinagtutubuan ng mga gintong butil habang sumasabay sa himig at indak ng sariwang hangin. Maririnig ang rumaragasang lagaslas ng agos ng mga talon, ilog, at dagat na umaapaw sa sari-saring mga isda. Sagana sa likas na yaman. Sagana sa kabuhayan.

Sa dahon ng kasaysayan, ang bansang Pilipinas ay nagbinhi ng kanyang sariling pagkakakilanlan sa sariling lupa na dinilig ng Silangan at Kanluran na nagdulot ng kanyang patuloy na pagyabong sa bawat pag-usad ng panahon habang hinihintay ng bawat Pilipino ang kanyang hinog at matatamis na mga bunga matapos ang maraming unos at bagyong hinarap.

Malayo na nga ang narating ng ating bayan. Katulad niya’y isang balangay sa gitna ng malawak na karagatan na mabilis at buong tapang na sumasalunga sa malalaking alon hanggang sa sumapit sa dalampasigan ng kasaganaan.

Sa simula’t simula pa’y umusbong na ang kabihasnan sa lupaing ito. Umusbong na ang sariling kayamanan. Sariling puso. Sariling talino. Sariling kaluluwa.

Nagtayo ang ating mga ninuno ng mga pamayanan na may iba’t ibang baranggay na sumasalamin sa kanilang maunlad na kabihasnan, pakikipagkalakalan, at pamahalaan bunga ng kanilang kalayaan sa makabuluhang pag-iisip, makabayang damdamin, at matibay na lakas bilang isang nagsasariling lipunan na hinubog ng kanilang sariling wika, alpabeto, at panitikan upang ipahayag ang kanilang karunungan at karanasan gayundin ng kanilang sariling kultura at tradisyon upang ipahayag ang uri ng kanilang maunlad na pamumuhay at paniniwala.

Nakikipagkalakalan na ito sa mga Tsino, Malayo, Hindu, at Arabe. Ngunit sa Kalagitnaang Panahon hanggang sa pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon ay natanaw ng mga mananakop na Kastila ang anino ng bundok ng Samar na naging hudyat ng kanilang pag-angkin.

Isang kapalarang ipinagkaloob ng Maykapal sa lahing ito ang ipakilala ang Kanyang anak na si Hesus sa pamamagitan ng Kristiyanismo at makisalo sa pagbuhat sa Kanyang mabigat na krus habang niyayakap naman ng mga kapatid nating Muslim sa katimugan ang Koran na sa simula pa man ay nagbigay na sa kanila ng landas tungo sa dambana ng Diyos.

Ang mga dayuhang tagapaghatid sana ng tamang landas ay niligaw ng sariling kapangyarihan at kasakiman. Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay ipinagkait sa atin ang kalayaang magpaunlad pa ng sariling bayan sa sariling pagsisikap.

Sa simula’t simula pa’y mayroon nang isang Pilipinong buong giting na tumanggi na kaluguran ang mga dayuhan sa katauhan ni Datu Lapu-lapu bilang unang tagapagtanggol ng ating lahi. Sa kanyang pamumuno ay nalupig si Magallanes na naging simula lamang ng mga sumunod pang hidwaan at pag-aalsa.

Ang iba’t ibang pag-aalsa laban sa mga mananakop na Kastila ay sanhi lamang ng mga mapapait na karanasan ng ating mga ninuno tulad ng hindi paggalang sa diwa ng sanduguan sa mga katutubo; ang di-makatarungang pagbubuwis at sapilitang paggawa; pag-angkin sa mga lupa ng ating mga ninuno; pagmamalabis ng mga Kastila sa kanilang kapangyarihan; at maling pagpapalakad sa tunay na diwa ng bagong relihiyon; at lahat ng uri ng diskriminasyon sa ating lahi.

Subalit habang humahapdi ang sugat ng mga Pilipino ay lalong tumitindi ang kanilang pagnanasang makaalpas mula sa malupit na kamay ng mga mapaniil. Sa bawat pagkadapa ay nagpatuloy pa rin sa pagbangon at pakikipaglaban upang makamit ang kasarinlan ng bayan. Sa mabilis na takbo ng panahon, lalong nag-alab ang pag-ibig ng ating mga ninuno sa tinubuang lupa. Sumibol at ganap na yumabong ang diwa ng nasyonalismo na nagsilang sa mga anak ng bayan — ang mga pinagpipitaganang Propagandista at Katipunero na may iisang adhikain.

Isang katotohanan na nananalaytay sa dugo ng bawat isang Pilipino ang kabayanihan nina Rizal, Plaridel, at Bonifacio tulad din ng napakaraming mga magigiting na kalahi. Ginising nila ang ating diwang nahihimbing upang tuluyang makita sa dako pa roon ang panibagong liwayway na ang hatid ay bagong pag-asa.

Sa loob ng mahigit tatlong daang taong paghihinagpis, sa huli’y nakalag din ang tanikalang nagbibigkis sa Inang Bayan sa labis na pagkaalipin. Nakamit ang kalayaan dulot ng pagmamahal ng mga nagkakaisang anak ng bayan.

At sa huli’y isinulat sa dahon ng kasaysayan ang malayang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa Kawit, Cavite sa himig ng kaligayahan dulot ng tagumpay ng lahing Pilipino.

Ngunit hindi pa man ganap na inabot ng matinding sikat ng araw ang pagbubukang-liwayway sa ating bayan anupa’t muli na namang humarap sa panibagong hamon ang mga Pilipino. Nawasak man ng digmaan ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano at Hapon ay patuloy tayong mag-aalay ng buhay upang maibalik ang kalayaang minsang nakamit noon. Sumiklab na ang maraming digmaan subalit nananatiling naninindigan ang matatapang na anak ng bayan sa lahat ng panahon.

Mula sa pagkakatatag ng isang Rebolusyong Pamahalaan hanggang sa pagsilang ng Republika ng Pilipinas ay ganap nang nagbagong-anyo ang ating bayan bilang paghahanda sa pagsalubong sa isang Malayang Daigdig.

Sa mga panahong yaon ay muling hinamon ang mga Pilipino sa pamumuno ng isang diktador na pinilit kitilin ang tunay na diwa ng demokrasya sa ating bansa. Isang diktador na sa pagkakataong ito ay kapwa natin Pilipino, at hindi isang dayuhan, ang sumubok na gawing dakila muli ang ating bayan ngunit sa huli’y nilukuban ng kanyang sariling kapangyarihan at pagmamalabis.

Sa simula’t simula pa’y pinatunayan na ng mga Pilipino ang kanilang pag-ibig sa kalayaan. Patuloy na lumulukso ang dugo ng isang magiting na Pilipino sa ating mga ugat. Sabay-sabay silang sumugod sa EDSA upang maghimagsik na ang dalang armas ay hindi itak ni baril kundi dalisay na pagnanasa para sa kapayapaan at lakas ng pagkakaisa upang harapin ang panibagong pagsubok. Sa isang matahimik na paraan ay nagkapit-bisig ang mga Pilipino sa pamamagitan ng People Power upang ipagtanggol ang kanilang karapatan nang walang anumang pagdanak ng dugo. Ang kahanga-hangang Rebolusyong EDSA ay lubos na binigyang-pugay ng buong mundo at nagsilbing halimbawa ng isang tunay na mapayapang pakikibaka.

At ngayon…tulad ng isang puno sa dako pa roon, ang mga Pilipino ay minsang naging isang munting binhi sa matabang lupa na sa mabilis na pagtakbo ng panahon ay umusbong, lumago, at nanatiling matibay sa bawat bagyo’t unos na sumubok sa kanyang katatagan upang sa bawat pagkakataon ay maghandog ng kanyang hinog at matamis na bunga sa bawat salinlahi…

Nasa panibagong paghamon ang mga Pilipino sa isang bagong panahon. Isang paghamon upang patuloy na subukin ang ating lahi. Noon pa man ay laging nakahanda ang mga Pilipino. Handa sa bawat bukas na darating.

Sa bawat paglatag ng liwanag at dilim sa daigdig, nakaukit na sa dahon ng kasaysayan ang mga nasaksihang pakikibaka ng lahing Pilipino. Bagama’t malawak na nga ang ihinakbang ng panahon ay patuloy pa rin nating natatanaw ang bakas ng kahapon.

Sa bawat pagsubok ng kasaysayan, napatunayan na ang angking kaibahan ng lahing kayumanggi. Noon pa mang sumisibol ang kabihasnan sa ating bayan, nasaksihan na ang maunlad na pamumuhay sa bawat pamayanan bunga ng kanilang mayabong na kaisipan at labis na kasipagan. Samahan pa ng kanilang katapatan sa sarili at marangal na pakikipagkapwa. Sa simula’t simula pa’y sumiklab na ang kanilang katapangan upang ipagtanggol ang bayan hanggang sa huling patak ng kanilang dugo. Ito ay bunga rin ng kanilang pagmamahal sa pamilya at sa kinabukasan ng kanilang mga anak at kaapu-apuhan. Lahat ng uri ng kahirapan at pagpapakasakit ay kanilang tiniis dahil sa tibay ng kanilang pananalig na hindi sila pababayaan ng Amang Lumikha.

Anuman ang naganap sa nakalipas ng ating bayan ay hindi dapat talikdan. Ang nakaraan ay nakaraan na ngunit bahagi pa rin ng ating buhay. Mahalaga ang pag-aaral ng ating sariling kasaysayan. Ito ay isang matibay na haligi ng ating pagkakakilanlan bilang isang lahi. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin ang uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno; nakikilala ang mga nilalang na naghandog ng kanilang pag-asa sa bayan; at nakapaglalakbay tayo sa bawat panahon.

Ang Republika ng Pilipinas ay sinubok ng panahon sa kanyang kasaysayan subalit sa simula’t simula pa’y laging bumabangon at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Isang demokratikong bansa na patuloy sa pakikibaka. Isang bayang may matibay na pananampalataya sa Diyos. Isang lahing taglay ang lupang hinirang upang magbinhi ng perlas sa Silangan.

Pilipino ako. Katulad ko, ikaw ay isa ring tunay na Pilipino. Ang ating mga anak ay Pilipino katulad nating mga magulang nila. Ikaw at ako ay kapwa maghahandog ng buhay sa bansang Pilipinas. Sa bayang ito’y huli nating malalanghap ang hanging nagbibigay-buhay. Sa bayang ito’y huli nating madarama ang mainit na haplos ng init ng araw. Sa bayang ito’y huli nating masisilayan ang angking kagandahan ng daigdig. At sa bayang ito’y nagbunga ang ating sariling lahi sa kanyang kayumangging lupa…

http://www.tinig.com/ang-dugo-ng-makasaysayang-lahi-ng-pilipino/

Ang Pag-ibig na Walang Maliw

May sandaling naniwala ako na ako ay mahal mo rin.

Ikaw ang nagbigay ng kakaibang liwanag na gumabay sa akin sa oras na ako ay malungkot. Ang liwanag na kumikislap sa oras ng aking pangangailangan. Tila ang iyong pagmamahal, pag-aaruga at paglalambing ay pampagana sa akin. Ipinadama mo sa akin ang pakiramdam ng isang umiibig at iniibig. Ipinadama mo sa akin ang totoong kahulugan ng pag-ibig — sa katunayan, isa itong hindi maipaliwanag na bagay.

Ngunit gaya ng isang panaginip, ako ay ginising ng boses ng kalikasan. Gaya ng araw, ang iyong pag-ibig ay napawi sa pagdating ng gabi. Unti-unti itong naglaho gaya ng mga bituin sa pagdating ng madaling-araw. Ginising ako sa katotohanan na tayo ay magkaibigan lamang.

Ang lahat ng mga tawanan at mga kalungkutan na parehas nating nadama ay bahagi na lamang ng ating nakaraan. Ngayong wala ka na, naiwan ako kasama ng mga alaala ng aking pagmamahal na hindi mo nadama, kasama ng matatamis na mga kasinungalingang hindi mo sinadya. Naiwan ako kasama ng espesyal na uri ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Ang pagmamahal na nararapat lamang sa isang kaibigan. Pero ang pagmamahal na ito ay magpapatuloy magpasawalang-hanggan sa aking puso.

http://www.tinig.com/ang-pag-ibig-na-walang-maliw/

IKINUBLING PAG-IBIG

By: ~EMOterah~

Sa mga unang araw nitong pasukan
Ika’y hindi ko kinikibuan
Kausapin ka’y hindi ko magawa
Kahit ako sayo’y nangungulila

Sa araw ng paglipat ko ng seksyon
May nalaman din akong rebelasyon
Ika’y meron na palang girlfriend
Kaya hanngang ngayo’y ‘di kita pinapansin

Pagmamahal ko’y ‘di ko naipadama
Na nararapat sa iyo tuwina
Ikinubling puso’y sugatan na
Na akala ng iba’y namumukadkad pa

Kung sinu-sino ang aking ipinalit
Pero puso ko’y ikaw ang inaawit
Akala ng iba’y nakalimutan na kita
Ngunit daing ng puso ko’y ikaw pa rin sinta

Nagulantang ang aking pagkatao
Ng malaman kong ako’y minahal mo
Hindi ko lubos akalian
Na sa aki’y may magmamahal din

Pero bakit hindi naging tayo?
Bakit siya ang pinili mo?
Hindi pa ba sapat ang nagawa ko?
Kaya sa kanya ka naging interisado?

Kasagutan mo’y hindi ko kinaya
Pilit na umaalingawngaw sa’king alaala
Mga pangyayaring sayo’y seryoso pala
Kaya tinext mo na…

“Kala ko ‘di mo na ako love,,,
kaya nanligaw na lang ako.”

“Nung ‘di mo ako pinapansin.
Halata naman ‘di mo ako mahal,
tapos kahit tingin nga lang ata
‘di mo magawa…”

“Eh kasi bakit naman
ngayon pa (bakit daw ngayon ko pa sinabi),
pwede pa naman
nung december.”

“Tsaka sori talaga.
‘Di ko alam na mahal
mo pa rin ako.”

“La na eh…
Huli na ang lahat.”

Hating gabi, ako’y umiiyak
Pinagsisisihan ang aking tinahak
Pagmamahal kong ‘di naiparamdam
Ni hindi man lang sa’yo nagpaalam

Ang sakit, p*t**g in*!
Sinaktan mo’ko, ‘lang hiya ka!
Pero hindi kita masisisi do’n
Biktima lamang tayo ng pagkakataon

Sugatan kong puso ay nananawagan
Pagmamahal mo ay nais kong balikan
Mga alaalang ayaw mawaglit sa’king isipan
Dahil sa kasalanan kong habambuhay pagsisisihan

Dinggin mo ang puso ko
Pagkakatao’y muling ibigay mo
Mahal na mahal pa rin kita
Ikaw ang buhay ko at wala ng iba

(di mo lng alam ay,,kaya nagging kami,,dhil naging kayo..)

Nagsalita ang Watawat

Oliver Carlos

Mabilis na inakyat ng itinaas na watawat
Ang dulo ng tagdan ng kanyang kasarinlan.
At sa gitna ng pagbubunyi
Nagsalita ito at kinausap ang lahat:

Mula rito, nakikita ko ang dikit –
dikit na gulong na dumidiin
sa bubungan ng mga pasakit
nilang sa estero ay nagpapaypay
ng himutok sa bituka ng mga dampang tirik.

Sila yaong ginigising ng impit na sigaw
ng kalam sa gitna ng kawalan
ng tinig
bagaman dinig
sa mga ungol nila ang panimdim,
ang minumumog na daing,
at nilalanggas na hilahil
na sa araw-araw ay balaraw
na itinitimo sa kanila ng mga limatik at sakim –
na kung bakit ang tumbong ay kailangan pang
himurin at sa kanila’y tiklop-tuhod na manalangin
bago pa ilaglag ang mumong-kanin.

Mula rito, umiiling ako sa piling
ng mga ihip ng panimdim
ng hanging naghahanap, sumusukat
sa hangganan ng mga pagtitimpi
sa kinakalkal na sugat sa dangal nilang nagpapagal –
akyat-manaog sa mga estribo, tutop
ang sikmura nguni’t taas-kamaong
nililinaw ang mga ano at bakit ng kanilang pag-aaklas.

(sila na tumindig at piniling manatili
sa kubol ng mga piketlayn, hindi man batid
kung bukas o mamaya lamang, bubuwagin
pipisakin ng mga upahang kampon ng demonyong kapitalista)

Mula rito, nakikita ko
at naririnig ang tunay na awit
ang di matapos-tapos na hibik…

At umusal ang watawat:

baligtarin ang lahat.

http://www.tinig.com/nagsalita-ang-watawat/

KABATAAN PAG-ASA NGA BA?

BY; ~EMOterah~

computer games laban sa mga aral sa libro.
sigarilyo laban sa lapis at papel.
ipinagbabawal na gamot laban sa leksyon ng guro.
alak laban sa pangaral ng magulang.

saan nga ba pumapanig ang ating kabataan sa labanang ito?
aling panig na nga ba ang nanalo?

bulag na ba tayo?
bingi na ba tayo?
lumpo na ba tayo?
para hindi mabigyang pansin ang mga bagay na ito.
mga bagay na sumisira sa moral at pangarap ng ating henerasyon.

sa palagay ko, oo!

hindi lang tayo naging mga bulag, bingi at lumpo sa nangyayring ito,
nakikiayon at nakikisama pa tayo.

tignan mo ang iyong sairili,
ang iyong mga ginagawa.
tignan mo ang mga taong nakapaligid sayo,
ang kanilang mga ginagawa.

marami,
karamihan sa ating mga makikita kung hindi isa ang ating sarili
ay nasilaw at nasusuyo ng ganitong mga bagay,
para sa kasiyahan,
para pampalipas ng oras,
para sa pakikisama,
para sa hindi napapansin na unti-unting pagkalugmok
ng ating mga sarili
ng ating mga pangarap
ng ating bansa

"Bayan muna, bago sarili."
noon..

"Sarili muna, bahala na ang iba sa bayan."
ngayon..

lagi nating sinisisi ang mag nasa gobyerno sa mga nangyayari sa ating bayan
ngunit naisip na ba natin kung ano na ba ang naitulong o nagawa natin para sa ating bayan.

nakipaglaban ang ating mga ninuno, mga bayani para sa kalayaan ng ating bayan
ang kalayaan na hanggang ngayon ay tinatamasa natin.
ngunit saan natin ginagamit ang ating kalayaan,
ang ating oras,
ang ating talino,
ang ating mga pangarap?

sa pag-aaral ba?
sa pagtulong ba sa nangangailangan?
sa pagsunod sa magulang ba?
o
sa paglalaro ng DotA
sa paninigarilyo
sa paginom ng alak
sa paggamit ng droga

ilan ba sa mga kakilala mo ang alam mong may pakialam sa bansa?
pakialam sa maaaring mangyari sa kanya, o sayo sa ginagawa niya?

obserbahan mo rin ang sarili mo..
baka matakot ka sa makikita mo..

ilan ba sa atina ang iniisip ang pamumuno sa ating bayan sa daraitng na panahon,
o baka wala na tayong ibang sinasabi na "bahala na"

Kailan pa??

kung kailan nabibilang na lamang ang mga Pilipinong nakapagaral,
kung makikita mong wala ng pakialam ang lahat sa atin bayan,

nakakatakot isipin.
para sa iba nakaktuwa pang isipin.

may ka-cornyhan o walang kwenta para sa iba.

pero ang masasabi ko lang,
tapos na ako sa pagiging bulag,
tapos na ako sa pagiging bingi,
tapos na ako sa pagiging lumpo,
ngayon, naniniwala akong may magagawa ako.

at sisimulan ko sa sarili ko.
maliit amn maituturing ngunit may pakialam ako.

dahil na naniniwala pa rin akong may pag-asa,
may pag-asa pa ang ating kabataan,
may pag-asa pa ang ating bayan.

hanggat may isang Pilipinong naririnig ang boses,
at may pagpapahalaga sa bayan,
ako man iyon o hindi,
alam kong ang bandila ng Pilipinas ay sasabay pa rin sa pag-indayog ng hangin

dahil mayroon pa ring tatayo, babangon sa nalugmok nating bayan.

sana lang, magising na ang iba.
dahil nakakatakot mabaon sa tulog na walang katiyakan kung
may sasalubungin pang bagong umaga.

(PAG HAHANDOG)


Nais po naming maghandog sa inyo ng balagtasan
Ngunit nangangamba kaming baka sa inyo'y di welcome
Kung maraming papalakpak ibig sabihi'y okey lang
Kung sakaling wala naman kami na po ay lilisan.

Sa matunog n'yong palakpak sukli namin ay salamat
Ngayon kami ay handa nang sa pangako ay tumupad
Nagpupugay na po kami sa inyo't bilang pambungad
"Happy Independence Day" sa Pilipinas at inyong lahat.

Bilang isang pagunita sa araw ng kasarinlan
Ang paksa pong tutugunin sadyang dito nababagay
Sabi'y nasa kabataan pag-asa ng ating bayan
Ito ang pamanang wika ni Gatpuno Jose Rizal.

Ngunit sa ati'y maraming angat sa gulang ang di payag
Dahilan po upang kami sa balagtasan ang lumutas
Kanino ba mas nahihigit ang pag-asa'y nagbubuhat
Sa mga kabataan ba o sa may gulang ang idad?

Lilinawin ko po muna ang antas ng mga gulang
Labing-anim hanggang tatlumpu ang edad ng kabataan
Limampu naman papataas tinutukoy na may gulang
Diyan po ngayon natutuon ang anyos sa paglalaban.

Gonie Mejia po ang lingkod n'yong lakandiwa
Reperi at tagahatol ng dalawang maghihidwa
Sakali sa pagtatalo kayo ay masasagasa
Unaawain lang po kami pagkat hindi sinasadya.

Nang lubusang mapagsino ang dalawang magbabaka
Sila sa inyo'y ihaharap nang tuluyang makilala
Una ko pong tatawagin ang sa balagtasan ay reyna
Ang mutya ng Capitol Hills, palakpakan natin siya!

NASA KABATAAN ANG PAG-ASA

Isang henyo ang nagwika, di mapasusubalian
Pag-asa ng mga bansa ay ang mga kabataan
Ako lang ay nagtataka dito pala ay may hadlang
Kaya ako sa pagtindig ay matatag na lalaban.

Ang lakas ng isang tao'y nasa kanyang kasibulan
May kulay ang isang bukas dahil ito ang puhunan
Kung kupas na ang 'yong liksi, waglit na ang kasiglahan
Masasabi pa bang ikaw'y pag-asa pa ng lipunan?

http://ofw-bagongbayani.com/b-pagasa.html